• siya: haha. iyak na naman 'to e. bakit kasi malulungkot ka. tapos na yung ganun diba? naka iyak kana dati ng dahil sa ganun. ok na yun. dapat masay ka para sakin. hindi ka dapat malungkot
  • ako: bakit, di ba nakakalungkot yung aalis ka ng matagal?
  • siya: oo nga, edi. isang taon ka na lang iiyak??
  • ako: ewan
  • siya: pag naka iyak ka na ok na yun.. anu un iiyak ka lagi ..
  • ako: ewan ( e sa nakakalungkot, kung pwede lang sana na dito ka lang diba? e ayoko nga kasi ng umalis ka ng ganun katagal. masaya naman ako para sayo e, nakakainggit nga e kasi ang bongga lang ng ojt mo. pero kasi. mamimiss kita ng sobra. )

i just can’t.. :(( i want want to hug him right now and tell him “BAKIT BA KASI KAILANGAN PA DUN YUNG OJT MO?? PASOSYAL NAMAN KAYO MASYADO E. PWEDE NAMAN DITO NA LANG. PARA DI KA NA AALIS, PARA DI KA NA AALIS NG MATAGAL. ALAM KO HINDI PWEDE, PERO GUSTO KO PARIN SABIHIN. WAG KA NA UMALIS PLEASE… ”

brb. crying my eyes out


wala ako ginawa kagabi kung di maghatsing at magkusot ng mata at mukha. kla ko nga mabubura na yung mukha ko e. bwisit na allergy.  tapos naimage ko bigla, pano pag halimbawa magkasama kami nung gabi na yun tapos siya yung kasama ko. kawawang bata, hindi yun makakatulog sakin. kailangan pa naman niya gumising ng maaga. haha. tapos naimagine ko pa siguro hahawakan na nun yung kamay ko kasi nga kusot ako ng kusot sa mata ko, sa mukha ko, tapos makakatulog na kami ng ganun. sweet :)


kaso naimagine ko na rin pano pag wala na siya? aalis na kasi siya, sabi niya nga pwede daw june 5. sabi ko sana hindi pa kasi gusto ko pa makita niya ng personal na suot ko yung white uniform ko. haay, ngayon nafefeel ko na na aalia siya.   ramdam na ramdam ko na. kung iiyak daw ba ko kapag umalis siya, tinatanung pa ba yun? 

halos isang taon din na walang magsusurprise visit dito sa bahay, tapos ipaghahanda ko ng pagkain, o kaya ipagtitimpla ko ng juice. wala din ako mayayaya manuod ng movie, kahit alam ko na hindi naman siya interested dun sa papanuorin. yung kakain kami sa labas. gagala, pagbibigyan ako na gumala pa saglit, kahit sabi niya na baka gabihin na. matagal tagal din walang mangingiliti sa kilikili ko tapos sasabihan ako ng suplada. matagal tagal din ako walang ihahatid sa pasay. matagal tagal din ako walang mayayakap kung hindi si sitaw at mr. smith, matagal tagal din kami magkakahiwalay.

ang lungkot lang, halos  yan lang yung paulit ulit na naiisip ko kagabi at hanggang kaninang umaga. sobrang lungkot lang na hindi ko masabi sa kanya nung magkatext kami. puro ok nga lang ata narereply ko sa kanya. lutang ata ako kanina. 

oo, lutang nga ako kanina, sinabihan niya pala ko na nakapasa siya dun sa visa niya. ok lang pala nareply ko. 

nice. may us visa na siya, pwede na siya bumaba sa us port at makakilala ng mga magaganda at liberated na amerikana.  haha. 

masaya naman ako para sa kanya e. totoo, pero mas nalulungkot lang talaga ko kasi nga naisip ko na naman na magkakahiwalay kami. parang nung first time niya pumasok sa maap. higit pa nung first time niya dun sa maap. 

sorry nman kung hindi ko nasabi sa kanya na masaya ko para sa kanya hindi katulad nung iba niyang katext.  sorry naman kasi ako yung girlfriend tapos hindi ko nagawang maging masaya para sa kanya. sorry naman kasi malungkot ako. hindi kagaya nila na excited sa pagalis niya.

nahiya naman ako sayo kasi ako yung girlfriend. pero kasi hindi mo naman alam yung feeling nung last time na pinagdaanan mo yung ganito. yung feeling ng ganito ulit, yung feeling na maghihiwalay na naman kayo, mas matagal pa, mas mahirap.  palit tayo, dito ka. tingnan naten kung maging masaya ka pa rin. 


be strong, it’s the only thing you can do


maybe i was wrong. he cared after all. nun ko lang ata siya nakita at narinig magsabi ng tungkol sa side niya ng mahinahon, super kalmado with matching “hun, … ” pffft. im so weak. haha
badtrip. mahal ko e. ganun talaga. mas mahal ko siya kesa sa pride ko.

binasa ko ulit yung blog ko and medyo natawa ako. (yung past entry ko before this.) baka kasi iba isipin niyo. haha. actually it’s about me having two fb accounts. basta. nagka sanga sanga na din. pero ok na kami. pumayag na rin ako. bahala na. :/ :)


asdfghjkliosnudcuniufsunivfns !!!!!

edi talo ako.

e kasi parang last night lang diba, i was complaining and asking myself what the hell is happening. tapos pagkagising ko nung umaga, magkatext kami. ganun padin usapan. galit galit padin. tinulugan ko nga. tapos ginising ako nung kapatid ko ng bandang mga 2 ng hapon (lol. tulog pa ko non. haha) andyan daw siya di daw niya ko jinojoke. andun daw talaga. di ko alam kung maniniwala ako o hindi, kasi ang alam ko nga may pasok siya and magkagalit kami. galit ako sa kanya. galit siya sakin.

bumangon ako, hindi ko alam pano ko siya nun kakausapin. (arte lang. pero promise. kasi nga, seryoso, magkagalit kami.) edi naligo muna ko bago siya harapin. haha. dead silence ang drama. nagalit pa siya kasi bakit daw hindi ko sinabi na maliligo ako e antagal tagal niya nun naghihintay. oo nga naman, guilty ako kaya nagsorry ako. pakiramdaman

pakiramdaman. ok naman. hinawakan niya kamay ko, tapos kiniss ako sa cheeks tska sa noo (infairness ang sweet). di ko alam pero ok na sakin. ok na kami. pero hinihintay ko parin yung tungkol dun sa pinagawayan namin.

di pa ko kumakain nun. so, nagluto ako ng breakfast/lunch/merienda ko (matipid ako sa pagkain diba?haha) tapos tinanong ko siya kung anu kakainin pero ayaw niya, kaya nagpakuha na lang ako ng junkfood tapos juice. tapos aun, sinamahan niya ko kumain. after ko kumain nagligpit ako, andun siya. infairness. moral support at tinulungan naman ako ng konti. e syempre naman. kahit jinojoke ko na siya magliligpit e nahihiya naman ako, after all bisita siya.

pagkatapos nun, nanuod kami ng pirates of the caribbean, kniwento ko sa knya yung ibang parts kasi hindi siya nanunuod nun. sabi nga namin ng pinsan ko, he’s missing half of his life. haha.

anyway, nung medyo hapon na ayun na ang hinihintay ko, yung tungkol nga sa pinagawayan namin. infairness naman. kalmado. akala ko magagalit siya, pero hindi. sinabi lang niya yung talagang gusto niya. kung bakit gusto niya, tapos aun, pumayag na din ako. di ko alam kung bakit at pano basta ang alam ko lang e ok na sakin. tska narealize ko naman na nga na wala naman nga masama dun kasi ok na kami sa lahat.

hindi na namin natapos yung pinapanuod namin kasi umuwi na siya. mga 6:45 siguro yun. hindi siya nagpapagabi samin dahil sabi niya, hindi daw maganda tingnan yun, o diba, sa kanya mismo nanggaling yun. nahiya naman ako. haha.

ok na kami. so much for all those drama. after all malapit na siya umalis. kailangan magsulit ng oras.

i hope matuloy yung sa saturday. sana makalabas kami. :)

and because they were the best they ever had


malayong malayo na sila sa dating sila.

lagi ko tinatanong sa sarili ko, “anong nangyayari? hindi naman tayo ganito dati”. hindi ko rin naman masagot yung sarili ko. diba dapat kas lalong hindi kami ganito? kasi matagal na kami, dapat yung ganito pinagdadaanan lang kapag mga nasa unang taon palang kayo, pero bakit kami? paurong?

binalikan ko yung mga dating entries ko sa blog ko. sobrang saya, sobrang sweet sobrang mahal na mahal nila yung isa’t isa. parang galing ibang blog yung binabasa ko, hindi ako makapaniwala. hindi rin ako makapaniwala na ganito na kami ngayon.

nasaan yun mga nakakakakilig na moments na naiiyak na ko sa sobrang kilig at tuwa dahil sa ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ako nung taong mahal na mahal ko din?
nasaan na yung hinahamon ko pa yung mga problemang dadating samin at sila yung papapsukuin namin at hinding hindi kami ang susuko sa kanila?

nasan na yung kahit magkalayo kami, masaya kami?
nasan na yung ramdam ko na mahal na mahal niya ko na lahat gagawin niya para samin? hindi yung “yun gusto mo? edi sige”

oo, nandun parin naman. kaso pang isang araw, dalawa. isa hanggang dalawang araw na masaya tapos halos forever na na ganito.

kami parin naman. kaso nasan na yung, ” wag ka na magpakahirap magaral ng kung anu anong math, dahil ang tanging math lang naman na tatandaan mo ay YOU+ME=FOREVER :”>”

“did i make you smile? dapat ganyan lagi ah”

“chorus lang ah .. (but ends up singing just the way you are stanza and chorus)”

“8, 7 years na lang ikakasal na tayo diba? :)”

” .. tapos susunduin kita sa office mo, after work mo, :)”


“mahal na mahal kita, gusto ko ikaw na :)”


madami pa yan. dati kapag naaalala ko yan, gumagaan pakiramdam ko, sumasaya ako, kinikilig ako. pero ngayon, ang naiisip ko lang, mauulit pa kaya yun? naaalala pa kaya niya yun?

ayan na naman ako, aasa na naman ako, tapos madidisappoint na naman ako. sabagay, wala namang bago dun e.



2:42 am. hindi na naman ako makatulog. dami na pumasok sa isip ko, from past to present to future, from joco to jerk, from past to wtf is going on.

there are certain things that i really care about. at isa dun ay ang privacy ko. that’s why i have a tumblr account, for my rants and two fb accounts, one for me and my friends, and one to keep in touch with my relatives.

bakit hindi ko magawang pag isahin yung dalawang account ko? nung una ang reason ko kasi malalaman yung tungkol samin ng boyfriend ko. but since ngayon na ok na, bakit hindi ko parin magawang pag isahin? dalawa sagot ko dyan, una. kasi akin yun, ipost whatever i want. parang semi diary na din? so parang private stuff ko yun which i let selected people to see. pangalawa, kapag pinagisa ko yun, or kahit mag add lang ako dun sa isa makikita nila yung mga stuff dun. at ang pinaka ayoko ay yung magsasabi sila ng kung anu ano tungkol sakin. tungkol sa friends ko, at kahit ano o sino na makita nila dun. believe me, i know them well. yng makakita lang ng picture, “ay grabe naman” makita lang ng status “ay grabe naman yun, bakit naman ganun” in short, masyado silang close minded. tanong mo pa sa pinsan ko,. napag usapan narin namin yun e. ayoko makakarinig ng negative feedbacks sa kanila. maigi nga sana kung naririnig ko na sinasabi nila sakin e, ang masama dito, they talk behind your back. oh diba. lahat sa kanila kotrobersyal, malaking issue. sorry kung masyadong negative ang feedback ko sa kanila, pero kasi ganun. kanya kanya lang naman kasi yan e.


tska hindi kasi ako ganun ka open sa kanila, kasi nga ganun sila. pero nagkkwento naman ako sa kanila, it’s just that i keep the details. kasi nga. hindi nila ko naiintindihan. and mas maigi na yung ganun, kesa lagi pa nila ko mamisinterpret, ako at ang mga kaibigan ko.


kanya kanya lang naman kasi yan. magkakaiba tayo. respeto lang. walang pakialamanan.


- - - - -


hindi naman dapat problema yan diba? pero bakit ganun?



kapag stressed ako, kumakain ako ng kumakain ng kumakain. pero kapag depressed, ibang usapan na yun. hahaha LOL XD



alam mo yung feeling na after more than three years, ok na lahat? yung ok na sa pamilya mo. ok sa mga kamag anak mo, sa kapitbahay mo, sa mga aso mo. haha. kayo at yung boyfriend mo. yung napakilala mo siya sa lahat lahat na.

yung feeling na natutuwa sa kanya yung mama mo na tipong nauunahan ka na niya maginvite sa kanya sa mga events. nauunahan ka niya bumili ng gift mo dapat sa kanya. haha. pati yun kapatid mo, natutuwa din sa kanya kasi siya pa yung mas excited sayo nung pumunta siya sa bahay niyo. yung mas concern pa siya sayo na baka maligaw, baka andyan na, na abangan niyo na daw sa gate. yung sobrang maiinsist ng lola mo na sumama siya sa sementeryo para makilala niya yung mahal mong kuya tapos siya pang sobrang concern sa pag uwi niya. yung sabihan kayo ng kamag anak iyo na magkamukha daw kayo. yung pinapansin na siya ng papa mo, yung nakikipagbiruan yung tita mo sa kanya, yung nagpapakwento sayo yung isa mo pang tita tungkol sa kanya. tapos ikaw naman, syempre. sobrang proud ka.

yung feeling na yung matagal niyo na hinihiling, eto na. ok na.

pero kayo na lang yung kulang.






The Blogger,

mj. filipina. 18. catholic. student servant-leader. model.
aspiring hair and make up artist. books.
hello kitty. chocolates. coffee. inlove. happy.

a marine's girl, a MARINE WIFE - in TRAINING

you're about to read my rants, thoughts, not-so
&oh-so good moments:) i do reblog, and post pictures. enjoy :)

one more thing, all things in tumblr stays in tumblr.

feel free to follow, maraming salamat po :)

Read the Printed Word!